Mga litrato: Pambansang Araw ng Pagluluksa at Protesta para kay Crispin “Ka Bel” Beltran

Mula katedral ng Iglesia Filipino Indipendiente sa Taft Ave. kung saan ibinurol si Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran, nagmartsa ang progresibong mga grupo, sa pangunguna ng KMU (Kilusang Mayo Uno), patungong Mendiola, sa unang bahagi ng libing-martsa noong Mayo 28. (Ilang-Ilang Quijano)

Nagpadala ng mga bulaklak ang Revolutionary Council of Trade Unions, National Democratic Front of the Philippines, at Communist Party of the Philippines bilang pagpupugay kay Beltran, 75, na namatay sa aksidenteng pagkakahulog sa bubungan ng kanyang tahanan noong Mayo 20. (Danny Pata)

Nakaimprenta sa t-shirt ng manggagawang ito ag makasaysayang mga salitang binitiwan ni Beltran noong nililitis siya para sa paglaban sa diktadurang Marcos. (Ilang-Ilang Quijano)

Binabasa ng mag-inang ito ang isang polyetong nagpapaliwanang ng kahulugan ng buhay ni Beltran, na ipinamahagi ng mga raliyista sa dinaraanang maralitang mga komunidad. (Ilang-Ilang Quijano)

Naglakbay pa mula Timog Katagalugan ang mga manggagawang ito para makiluksa at makiprotesta sa pagpanaw ng lider-obrerong tumulong sa kanilang mga pakikibaka para sa sahod at trabaho. Dumalo rin ang mga manggagawa mula sa mga rehiyon ng Kordilyera, Gitnang Luzon, at Bikol. (Ilang-Ilang Quijano)

Itinapon pabalik ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, ang mga bulaklak na ipinadala ni Pangulong Arroyo sa burol ni Beltran. (Ilang-Ilang Quijano)

Ayon sa Anakpawis at KMU, isang kahangalan ang pakikiramay ng Pangulo kay Beltran na ipinaaresto niya noong 2006 at ipinakulong nang mahigit isang taon na bahagi umano ng panggigipit sa oposisyon. (Ilang-Ilang Quijano)

Ibinuhat ang mga labi ni Beltran papasok ng Kamara nina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Teddy Casino, Gabriela Rep. Liza Maza, at iba pang mga kaibigan at katrabaho. (Ilang-Ilang Quijano)

Pinangunahan ni Fr. Joe Dizon ang necrological mass para kay Beltran. (Ilang-Ilang Quijano)

Mahigit kumulang 80 kongresista at mahigit 1,000 tagasuporta ni Beltran ang dumalo sa misa at seremonya sa loob ng session hall ng Kamara. (Ilang-Ilang Quijano)

Binasbasan ni House Espiker Prospero Nograles ang mga labi ni Beltran. (KJ Rosales)

Kasama ng mga apo, muling sumulyap sa kanyang kabiyak Si Rosario Beltran, na may 10 anak sa kongresista. (Kenneth Guda)

Sa talumpati ni Ocampo, pinatotohanan niya ang pagiging huwaran ng simpleng pamumuhay ni Beltran, na kadalasa’y walang pera sa bulsa. Pinasaringan niya si Arroyo at mga kaalyado nito (kabilang si Nograles sa kanyang likuran) na umano’y nagpahirap sa mga tunay na naninilbihan sa sambayanan tulad ng yumaong kongresista. (Ilang-Ilang Quijano)


Mula Kamara, muling nagmartsa ang nagluluksang mga raliyista patungong Fairview. (KJ Rosales)

Tuloy ang Laban, kanilang paulit-ulit na sigaw. (Ilang-Ilang Quijano)

Umabot sa mahigit 20,000 ang mga dumalo sa makasaysayang martsa-libing. (Ilang-Ilang Quijano)

Inihatid si Beltran sa kanyang huling hantungan sa Angel of Meadows sa Angat, Bulacan ng kanyang mga tagasuporta, kaibigan (kabilang si Sen. Jamby Madrigal), katrabaho, at kapamilya . Taas-kamaong pinagpugayan ang lider-obrero sa pamamagitan ng pagkanta ng Internationale, pandaigdigang awit ng mga manggagawa. (John Clemente)

Advertisements

One Response to Mga litrato: Pambansang Araw ng Pagluluksa at Protesta para kay Crispin “Ka Bel” Beltran

  1. barangayrp says:

    magandang araw!

    ako’y isang pamatnugutang kartunista(freelance). ipapaalam ko sana sa inyo na muli kong ilinathala ang pyesang nasa itaas sa aking blog, http://www.barangayrp.wordpress.com

    maraming salamat!

    mabuhay kayo!

    mabuhay ang alaala ni ka bel!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: